(via carlop)

#pretty  #reblog  

Naiinis ako sa mga taong nagsasabi ng ganito.

  • Pahinga pahinga din.
  • Aral aral din.
  • Ligo ligo din.
  • Tulog tulog din.
  • Kain kain din.

Ewan ko, nabubwiset ako sa tuwing may naririnig akong ganyan o kaya naman may nababasa akong ganyan. ‘Di kasi maganda pakinggan/basahin eh. Alam niyo yun? Inulit na nga yung salita, may din pa sa huli. Ano nga ba silbi ng inulit mong salita? Pa-cute masyado eh, ‘di naman cute.

Asar asar din.

#rants  

jetaimelamort replied to your photoset: Candid. Grabe kasi si Saivan Hong. Kung anu-ano…

huhuhuhu gana mooo

Isang letter na lang, maganda na sana ako. Huhuhu. Jk. Hahaha!

Candid. Grabe kasi si Saivan Hong. Kung anu-ano trip sa buhay. Hahaha!

#GPOY  #=))  

Hindi na ako magtataka kung ganyan ang naging trato niyo sa akin. Maliit na bagay lang, pinalaki pa? Dinamay pa lahat? Akala ko ba natuto na kayo sa mga pagkakamali niyo dati? Hindi ko naman sinasabi na hindi ko kayo tinuring na totoo, pero ano ba yang mga pinapakita niyo sa akin/sa amin?

Nakakalungkot isipin na sa tinagal-tagal nang samahan natin, hindi pa pala nagbabago mga masasahol niyong ugali. Tunay ngang mahirap magbago. Tunay ngang hindi sa lahat ng panahon magkakasama tayo. Tunay ngang onti lang mga kaibigan kong handang panindigan ang mga pinagsasasabi nila.

Akala ko talaga nagbago na lahat eh. Grabeng pagtitiwala din yung ibinigay ko sa inyo. Sinayang niyo lang dahil makikitid kayo.

Sorry nga pala, ha? Tinuring ko kasi kayong mga kaibigan ko.

BF Central, ang sarap mong balik-balikan! Pinaka-chill place na napuntahan ko ‘to. Malamig na weather, magandang ambiance, at makukulit na kaibigan ang bumuo ng gabi ko. :)

#friends  

The reasons why I was inactive for the past few days…

01-24-12

  • Shortened period yung classes
  • Hindi pumasok ng Psychopharmacology.
  • Naghanap ng green shirt sa Rob at nagpatatak na rin ng gusto naming design ni Sab (para sa contest shit ng centennial)
  • Flash Mob

01-25-12

  • Motorcade from school to Manila Cathedral.
  • Grand centennial mass at Manila Cathedral.
  • Free lunch pagkabalik ng school.
  • 1:30PM pumuntang Sta. Rosa, Laguna kasama si Sab, Rap, Josh, Joey, Omar, and Ces. (Ako lang walang partner kaya panay asar nila sa akin HAHA!)
  • 6:00PM pumuntang Tagaytay. Kumain at nagkwentuhan lang.
  • 9:00PM umuwi na kaming lahat.
  • 10:30PM na nung nakadating kami sa bahay nila Sab.
  • Tinulungan si Sab sa gift niya kay Rap para sa anniversary nila.
  • 3:00AM na kami natulog ni Sab.

01-26-12

  • Sinundo kami ni Rap nang bandang 7:00AM sa bahay nila Sab.
  • Nag attend ng service awards sandali at dapat magpapa-attendance pero ‘di nagkakitaan.
  • Kinuha yung pinagawang shirt sa Rob.
  • Pumuntang One Archers kasama sila Sab and Rap para matulog.
  • 3:00PM bumalik kaming school para manood ng Kantiyawan: The Reunion (Sing and dance performance ng mga professors)
  • Pumuntang BF Central with Sab, Rap, Josh, Mary at nakipag-meet na lang doon kila AG, Ney, Janelle, and Carlos.
  • Naiwan kami nila Sab, Rap, Josh, and Mary sa Central until midnight. Tamang chill lang.

01-27-12

  • Pumuntang school. Basketball competition nun pero sinilip lang namin yung mga nangyayari. Natalo CAS or College of Arts and Sciences pero okay lang.
  • Madaming nagandahan sa CAS shirt namin at hanggang ngayon ‘di namin matanggap kasi feeling namin pang jeje yung shirt namin hahaha!
  • For the nth time, may nagtanong sa akin, “‘Di ka kasali sa OTG? (Out to Groove — Dance Competition) Bakit ‘di ka sumali ‘diba marunong ka naman sumayaw?
  • Bumalik ng bahay kasama sila Sab and Rap nang bandang 11AM para kunin yung Bingo card. Sumunod sila Omar, Ces, and Josh.
  • 3:30PM nung nakadating kami sa school para maglaro ng bingo.
  • P50,000 yung grand prize (hinati kasi yung 100k para dalawa manalo), tapos yung bingo card ko, isa na lang kulang para manalo ako pero biglang may nag bingo na. Grabe hinayang naming lahat. Pera na kasi yun eh. 
  • 7:00PM nung nagstart yung OTG. Hinintay lang namin yung Tatak Sikolohista mag perform tapos umalis na din kami agad.
  • 10:30PM na nung nakauwi ako ng bahay.

Fun experience, indeed. Ang saya kasama ng mga kaibigan ko ngayong centennial celeb. namin. Kahit ‘di kami nag attend sa ibang activities ng school, at least nagpakasaya kami na sama-sama. Sa susunod ulit! :)

#school  #life  #friends  #:D  

FLASH MOB

So, this is what happened earlier. Hihi. I was there but ‘twas so hard & uneasy to dance ‘cause (1) I held my bag and (2) I was wearing heels. So, yeah. Great experience, tho. :)

#school  #life  #:D  

(via ohohkakleng)

-___-

Hindi ko na alam kung ano talaga mararamdaman ko. Minsan napapaisip na lang ako kung tama pa nga ba ang nangyayari sa aming dalawa. Tama nga kaya yung mga ginagawa ko? Hindi ko na alam. Naguguluhan ako sa situwasyon na mayroon kami ngayon.

Ano nga ba talaga? May maganda nga bang idudulot ito o mapupunta na naman ba sa wala? O hay… Mahal na nga talaga kita. ‘Wag naman sana masayang ‘tong nararamdaman ko para sa’yo. Kasi nung una pa lang na sinabi kong, “Seryoso ako sa’yo.” pinaninindigan ko yun.

Ewan ko ba… Sana maayos na lahat ito.

#-_-