Naglinis ako ng mga gamit ko nung isang araw. Nakita ko na napakadami pa pala naming pictures ni Eric na nakatago. Hindi ko na kasi maalala na meron pala ako nun. Lahat kasi nang soft copy nabura ko na, literal. Natitira na lang ata yung nandito pa sa blog ko, pero tinatamad na akong burahin pa yun eh.

Pagkakita ko nang pictures namin, naisip kong itapon na lang lahat. Kaya lang nanghinayang ako eh. Malaki kasi ginastos ko doon. Sa pagkaka-alala ko kasi, lahat nang yun ay may kopya din siya. Kaya medyo malaki talaga nagastos ko. ‘Di ko alam kung bakit ako lang nagbayad eh o baka naman niregalo ko sa kanya yung pictures. ‘Di ko na maalala. Pero, yun nga. Kalahati lang naman kasi nang mukha niya yung nandoon sa pictures kaya ginupit ko na lang isa-isa.

Kahit pa may iba doon na mukha akong tanga, ayos lang. Baka magamit ko pa yun sa… Ewan ko. Bahala na. Mukha ko naman yun eh.

Ito nga pala yung picture ng SM plastic bag na ginamit ko sa trash can.



POST DETAILS:
Posted on December/29/2011
Tagged as: di ko sadya na nakaharap lahat nang pictures basta tinapon ko lang yan, oo pinicturan ko pa talaga kasi lame ako,

POST NOTES:
ABOUT

Bea. A nineteen year old Psychology student from Manila. I was born before the day intended for the dead. I aspire to become one of the educators of young children in the near future. I am a 15th century woman stuck in a 21st century body of a teenage lady. Unicorns are my mode of transportation. I suck at relationships. I believe in one God - A God who sent His only son to save us all from damnation. Oh, smile for me, please?

I have a secret, you curious to know?

Proudly Pinoy!

Website Hit Counter