Mayroon akong isang panaginip na tandang tanda ko pa din hanggang ngayon. Medyo blurry na yung naunang part pero alalang alala ko pa din yung last few scenes. Napaka-linaw nang mga nangyari. Nakukwento ko pa nga yun sa mga kaibigan ko eh.

Tapos nung isang araw, binasa ko ulit yung lahat ng nangyari sa panaginip ko. Oo, sinulat ko siya dahil maganda talaga yung panaginip ko na yun. Akala ko, nung mga August ko lang napanaginipan yun kasi nga nakukwento ko yun sa mga kaibigan ko, recently. Pero, nagulat ako sa date na nabasa ko. May 21, 2011 pa pala yun.

Ganito kasi yun. Noong May, syempre, kami pa din nung boyfriend ko noon. Pero, nanaginip ako nang ibang lalake. Wala naman kaming ginawang kabalastugan nun.

Pero, kinilig ako pagkagising ko.

Napanaginipan ko kasi yung ideal guy ko eh.

Moreno, matangkad, ‘di gaano gwapo pero may dating, at sweet. Okay, ang landi ko lang.

So, yun nga. Complete opposite siya nang boyfriend ko nang mga panahong yun.

Ganito kasi, nung isang araw napagusapan namin yun nang mga kaibigan ko tapos ina-analyze namin yung mga nangyari at kung anu-ano pa.

Si Hope kasi parang ganoon sa lalake na napanaginipan ko. Tapos sabi nila baka siya nga napanaginipan ko. Nung May kasi hindi ko pa naman kilala si Hope at ‘di ko alam mukha niya. Kaya baka sign yun? Chos.

Matangkad kasi si Hope. Hanggang balikat lang ako. Moreno din. May tattoo yung lalake sa panaginip ko na alibata tapos nalaman ko na gusto din daw pala ni Hope magkaroon nang ganoon. Tapos may yellow towel din, eh yellow car ni Hope. Ewan ko, kung maniniwala pa ako sa mga napagtanto namin. Parang joke time na kasi.

Pero,

Kinikilig ako. ’Di ko alam kung bakit.

First time ko din kasi nanaginip nang lalake na gusto ko talaga tapos parang yun pa yung taong kakilala ko ngayon. 

Yung nangyari kasi sa panaginip ko, ganito. Kakilala ko yung lalake, pero alam kong may boyfriend ako noon. Grupo kaming magkakasama. Galing kami sa isang trip tapos nag-stay kami sa isang bahay para mag pahinga. Nilapitan niya ako habang nakaupo ako doon sa gitna nang kwarto na may lamesa. Dumapa siya doon sa lamesa at nagusap kami. Pinakita niya yung tattoo niya sa akin. Tapos, after nang ilang minutes, naisipan kong ipatong yung ulo ko sa lamesa kasi may konting space pa naman at nainip na din kasi ako kakahintay sa iba pa naming mga kasama. Tapos ipinatong niya yung braso niya sa balikat ko na parang inakbayan niya ako.

Niyakap niya din ako sa pinakahuling nangyari sa panaginip ko . ‘Di ko na sasabihin yung nangyari bago doon kasi… Ayoko lang. Sa akin na yun.

Basta, kinikilig ako sa tuwing naaalala ko ‘to. 


ABOUT

Bea. A nineteen year old Psychology student from Manila. I was born before the day intended for the dead. I aspire to become one of the educators of young children in the near future. I am a 15th century woman stuck in a 21st century body of a teenage lady. Unicorns are my mode of transportation. I suck at relationships. I believe in one God - A God who sent His only son to save us all from damnation. Oh, smile for me, please?

I have a secret, you curious to know?

Proudly Pinoy!

Website Hit Counter