Kahapon sinipag ako kasi kailangan. Malapit na kasi deadline nang requirement namin sa isang major subject. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ng prof. namin na sirain yung bakasyon, pero ano pa nga ba magagawa ko? Kailangan yun eh kaya ginawa ko na din lang.

Group work yung paggawa nang video presentation, pero wala naman kaming time na magkita-kita kaya ako na nagpresenta na gawin yun at hihingi na lang ako nang tulong pag kina-kailangan ko. Sila na nag bigay nang mga pictures at ibang songs.

Sa totoo lang, hindi ako marunong mag edit nang video. Nangapa talaga ako, seryoso. Kaya halos o higit pa sa 12 hours yung nilagi ko sa harap nang computer. May agwat lang na 3 hours kasi yun yung bigla ako nakatulog nung ginamit ng kapatid ko yung computer.

Kanina, natuwa ako kasi ito nabasa ko,

Hahaha! Okay, ang babaw ko. Kahit na pang loser yung nagawa kong video, at least na-appreciate ni Sab. Siya pa lang kasi nakakakita kasi 4AM ko na yan na-post.

Puyat na naman ako. Dapat kasi aalis ako ngayon kaya tinapos ko yung video, pero ‘di na ‘ko sinama ni mama. Sabi niya kasi puyat daw ako. Pucha, kaya nga tinapos ko yun eh, para makasama ako sa kanya tapos bigla na lang niya ‘ko ‘di sinama. Eh, last week pa namin yun na plano. Nabadtrip lang talaga ako.


ABOUT

Bea. A nineteen year old Psychology student from Manila. I was born before the day intended for the dead. I aspire to become one of the educators of young children in the near future. I am a 15th century woman stuck in a 21st century body of a teenage lady. Unicorns are my mode of transportation. I suck at relationships. I believe in one God - A God who sent His only son to save us all from damnation. Oh, smile for me, please?

I have a secret, you curious to know?

Proudly Pinoy!

Website Hit Counter