|
Happy new year! :) Tumalon ako nung 12:00AM sa pinaka-unang pagkakataon. Nagbabakasakali na tumangkad pa ‘ko kahit napaka-imposible na. Kasama ko yung tatlo kong kapatid at si Mama sa bahay nung mismong midnight. Yung isa ko kasing kapatid nagtrabaho. Si Papa naman, nasa ibang bansa. Pero bago niyan, lahat kami nag simba nang sama-sama. Bihira lang kasi mangyari yun. Actually, twice a year lang —- Christmas Eve at New Year’s Eve. So, yun. Bongga handa namin tuwing New Year’s Eve kahit kami-kami lang ang magkakasama. Dati kasi may mga reunion shiz kami eh, pero namatay na kasi si lolo at lola kaya ‘di na yun nangyari ulit. ‘Di na nila naisipan ulit mag reunion dahil ‘ata doon, ‘di ako sure. Masaya ako nung madaling araw kasi ang dami kong nakain. Kasama na doon yung Ref. Cake na napaka-sarap! Tagal na kasi ‘di gumagawa si Mama nun kaya nung sinabi ko na gumawa siya ulit, buti na lang tinupad niya. Ang sarap sarap lang. :D Pero, nainip na ‘ko nung bandang 2:00AM kasi wala na ‘kong makausap nun. Kaya naisipan ko na lang na manood nang marathon ng SpongeBob sa Nick. Wala lang, namiss ko kasi manood nun! Haha! Nalungkot din pala ako kanina, ‘di ko alam kung bakit. Pero, feeling ko dahil sa Hi, Hello! Happy new year, ulit! :) POST DETAILS: Posted on January/1/2012 Tagged as: family, hahaha, tmi, POST NOTES:
|
![]() |