|
Nung Wednesday, ‘di ko akalain na maaalala pa ‘ko ni Hope. Bukod sa napaka-labo nga nang lahat, one month na din kasi kami ‘di nagkikita. Galit kasi yun eh o tampo o kung ano man dahil sa nagawa ko dati. Tapos nag text siya, tinanong niya ako kung may lakad ako nang hapon, so sabi ko naman wala. Sinabi niya, gusto daw kasi niya ako makita. Kaya sinabihan ko agad si Sab at si Rap na laging naghahatid sa akin kung okay lang sa kanila na mag stay pa kami para rin sama-sama kami nang hapon. Ayoko naman kasi na kaming dalawa lang kasi… Ang panget ng ganoon. Inasar ako agad nila Sab at Rap kasi nga kinikilig na ‘ko nun. Haha! Ewan ko ba, excited din kasi akong makita siya kasi namiss ko siya. 4:30PM na kami nagkita at pumunta kami sa condo niya. Tapos… Nakakatakot. May nakita kasi ako. Eh, sabi nila, may mga mumu daw doon sa condo niya. ‘Di naman kasi ako nakakaramdam kaya keribels lang. Pero, may nakita kasi ako, eh kaming apat lang naman nasa condo niya noong time na yun. Nasa bathroom kasi si Hope tapos kaming tatlo nasa room lang niya, naka-open yung door tapos nakita ko sa peripheral view ko na may nag pass by na malaking lalake. Parang si Hope at akala ko talaga siya na yun. Eh, ‘di bumalik. Tapos narinig ko pa na nandoon pa rin si Hope sa bathroom, kaya nanahimik na ‘ko. Hahaha! Anyway, nakapagusap kami ng maayos ni Hope at nalaman ko na nagtatampo pa din siya sa akin. Nag sorry ako kasi… Basta. Ako may mali eh. Sabi ko din na ‘wag na niya ibalik pa yung mga nangyari dati kasi tapos na at nagkainitindihan naman kami kahit papaano. Namiss ko siya, sobra. Nilubos ko yung oras na magkasama kami, na kaming dalawa lang. Halos nagkulitan lang kami na parang bata. Basta, ang saya ko lang na nakasama ko siya ulit. 8:30PM na noong umuwi kami. ‘Di ako nakapag-paalam kay mama, tapos bigla siya tumawag. Kinabahan ako. ‘Di ko sinagot kasi ‘di ko alam sasabihin ko, pero nag text din naman ako na pauwi na kaya okay lang naman sa kanya. Sabay-sabay kaming umuwi kasama si Hope. Napaka-awkward lang. Doon kasi ako sa kotse niya sumakay. Tapos nung nasa bandang SLEX na kami, ‘di kami nag uusap. May mga pini-pinpoint siya about sa amin pero nanahimik lang ako. ‘Di ko kasi talaga alam sasabihin ko. Naguguluhan kasi ako sa sitwasyon namin. Hinatid nila ako hanggang bahay. Mga before 9:30PM na noon. Tapos sabi nila, kapag daw may lumabas na tao galing sa bahay sabihin ko na kapatid ni Rap si Hope para ‘di mag duda. Hahaha! So ayun. Wala naman lumabas na tao kaya okay lang. Pipilitin daw niya na magkita kami ulit kahit mahirap. Tapos sinabihan namin siya na sumali sa 100 cars to 100 years nang school para makasama namin siya. Susubukan daw niya at sana, sana talaga makapunta siya. Hindi na ‘ko makapaghintay sa araw na magkikita kami ulit… :) POST DETAILS: Posted on January/7/2012 Tagged as: lalalalala, life, POST NOTES:
|
![]() |