|
Nakakainis yung feeling na naiipit ka sa isang relasyon… Hindi dahil sa kabit ka o kung ano mang shit. Pero, dahil sa kaibigan mo yung dalawang taong nag mamahalan. Lately, yung dalawa kong kaibigan may mga pinagdadaanan sa relasyon nila at saksi ako sa mga away nila. Nahihirapan ako kasi wala man lang ako magawa kundi pakinggan lahat nang mga sinsabi nilang masasakit sa isa’t isa. Wala akong magawa kundi i-absorb lahat ng negativity galing sa kanilang dalawa. Ang hirap. Ang sakit. ‘Di dahil epal ako, pero dahil kaibigan ko silang dalawa. Tuwing nag aaway sila, gusto ko na sana sumingit at sabihing, “Tama na!” pero alam ko na wala naman akong karapatang gawin yun kasi silang dalawa lang naman ang naguusap. Bukod sa baka kung ano pa ang masabi kong ‘di maganda, ‘di talaga tama na sumingit ako. Ewan ko ba, tuwing nangyayari kasi yung mga yun, lagi sumasagi sa isip ko yung mga dati kong relasyon noong ganoon din yung situwasyon namin. Mas nahihirapan tuloy ako kasi yun yung bahagi sa buhay ko na ayoko na balikan pa. Sana sa susunod ‘di na mangyari yung mga sagutan at murahan nila. Sana sa susunod magkaintindihan sila at mag usap na ng maayos. Sana sa susunod wala nang grabeng sakitan na magaganap. POST DETAILS: Posted on January/21/2012 Tagged as: :(, POST NOTES: |
![]() |