|
Hindi na ako magtataka kung ganyan ang naging trato niyo sa akin. Maliit na bagay lang, pinalaki pa? Dinamay pa lahat? Akala ko ba natuto na kayo sa mga pagkakamali niyo dati? Hindi ko naman sinasabi na hindi ko kayo tinuring na totoo, pero ano ba yang mga pinapakita niyo sa akin/sa amin? Nakakalungkot isipin na sa tinagal-tagal nang samahan natin, hindi pa pala nagbabago mga masasahol niyong ugali. Tunay ngang mahirap magbago. Tunay ngang hindi sa lahat ng panahon magkakasama tayo. Tunay ngang onti lang mga kaibigan kong handang panindigan ang mga pinagsasasabi nila. Akala ko talaga nagbago na lahat eh. Grabeng pagtitiwala din yung ibinigay ko sa inyo. Sinayang niyo lang dahil makikitid kayo. Sorry nga pala, ha? Tinuring ko kasi kayong mga kaibigan ko. |
![]() |